Tuesday, April 1, 2008

Taekwondo jins magpapakitang gilas sa Bangus Fest


Magpapakitang gilas ang mga marurunong sa larong taekwondo sa Abril 27 sa CSI Atrium, Lucao District, Dagupan City. Ayon kay Dagupan City Councilor Karlos Reyna, Chairman ng nasabing event na isa sa mga inaabangang bahagi ng Bangus Festival 2008, magkakaroon ng bracketing ang nasabing palaro mula walo pataas ang edad.

Ito ay pangangasiwa ng national Olympic Committee ng Philippine Sports Commission. Sa kasalukuyan, nasa 90 porsyento na ang mga naaprobahang mechanics ng naturang patimpalak at ito ay inaasahang mabubuo na sa linggong ito, ayon pa kay Councilor Karlos Reyna.

Naniniwala si Reyna na malaki ang potensyal ng mga manlalarong Pinoy na magtagumpay sa taekwondo base na rin sa mga sunod-sunod na mga invitational tournaments na ginaganap upang mapalawig ang nasabing sports. Marami na rin aniya ang mga atletang Dagupeno na nag-uwi ng gintong medalya sa sports na ito. Ito rin aniya ang huhubog sa iba’t ibang values ng isang manlalaro tulad ng disiplina at ang pag-uugali nito. Ang pakikipagkaibigan at ang pagkakaroon ng paniniwala sa sarili, dagdag pa ni Reyna.

May mga nakahandang premyo tulad gaya ng cash at medalya sa pamamagitan ng mga sponsors sa tulong ng chairman ng Bangus Festival na si Vice Mayor Belen Fernandez.

1 comment:

Anonymous said...

bagay na bagay yan kay councilor karlos dahil sports minded sya.