Tuesday, April 1, 2008

Discount! Discount! Great Dagupan Sale!


Inaasahan ni Vice Mayor Belen Fernandez, Chairman ng Bangus Festival 2008 ang full support ng mga negosyante sa Dagupan para sa tagumpay ng Great Dagupan Sale mula Abril 16 hanggang Mayo 4.

Sa isang miting na ginanap kahapon, sinabi ni Marge Navata, isa sa mga namamahala sa naturang event na kasalukuyang umiikot ang mga kasama nila upang maipasiguro ang complete participation ng iba’t-ibang rehistradong establisyemento.

Up to 50 percent ang mga magiging diskwento ng mga mamimili at mga give-aways sa mga makikisaling establisyemento. Lahat ng participating outlets ay inaasahang magsasabit ng streamer sa harap ng kanilang pwesto na may nakasulat na Great Dagupan Sale up to 50 percent discount at magpapatugtog din ng theme song ng Bangus Festival upang malaman ng mga tao na kasali sila sa promo.

Ayon pa kay Navata, natutuwa sila sa magandang pagtanggap ng mga negosyante sa pakulong ito na inaasahang magpaparami ng mga bisita sa Dagupan para sa Bangus Festival at Pista’y Dayat Celebrations.

Tinatrabaho din nila hindi lamang yong mga nasa downtown area, kundi pati rin yong mga nasa Mayombo, MH Del Pilar, Tapuac at Lucao.

2 comments:

Anonymous said...

ano pong mga establishments ang mag paparticipate po? Glen Caguioa

Anonymous said...

Meron na po bang list ng mga establishments participating sa sale?