Sunday, April 6, 2008

Bangus Festival 08 para rin sa mga bata


Tiyak na matutuwa at masisiyahan ang ating mga bata sa lungsod at maging mula sa ibang lugar sa gaganapin na “Araw Ng Mga Bata” bilang bahagi ng Dagupan Bangus festival celebration sa taong ito sa lungsod ng dagupan.

Sinabi ni Councilor Jess Canto, chairman ng nasabing event na kakaibang karanasan at tuwa ang mararanasan ng mga bata kasama ang kanilang mga hinahangaang batang artista ng ABS-CBN tulad ni Aaron Junatas ng going bulilit at si Sharlene San Pedro na nakilala bilang Princess Sarah. Magpapakita din ng talento ang mga pre-school children mula sa mga ibat-ibang barangays .

Sinab ni canto na ang pagdiriwang ay magsisimula alas-kwatro ng hapon sa Abril 23. magkakaroon ng parade of mascots handog ng Mcdonalds, Wrigleys, Lucky me at iba pang sponsors. itoy susundan ng isang isang programa na gaganapin sa city plaza.

Hindi lamang mae-entertain ang mga bata dahil sila ay bibigyan din ng maikling lektura tungkol sa edukasyon, kalusugan at values. Inaasahan din na ang mga bata ay makatatangap ng mga gift packs mula sa mga sponsors.

Ang “Araw Ng Mga Bata” ay libre at bukas para sa lahat ng batang may edad tatlo hanggang 12 anyos, dagdag pa ni Canto (EV).

No comments: