Sunday, March 30, 2008

Sali na sa Bangus Rodeo 2008


Hinikayat ni Dagupan City Councilor Lino Fernandez and mga bangus raisers sa iba’t-ibang lugar sa Pangasinan na sumali sa Bangus Rodeo sa Abril 29 sa Malimgas Market sa Dagupan at manalo ng naglalakihang papremyo.

Ayon kay Fernandez, tampok sa patimpalak ang Heaviest, Most Beautiful at Longest Bangus ganun din ang Fastest Bangus Eater, Fastest Classifier at Fastest Deboner.

Sinabi pa ni Councilor Lino Fernandez na todo suporta and ibinibigay nina Vice Mayor Belen Fernandez, ang over-all chairman ng Bangus Festival 2008 at si Mayor Alipio Fernandez Jr., para makapagbigay ng mga mas bongga at mas masayang tampok sa festival na ito na magsisimula sa Abril 16 hanggang Mayo 4.

Para sa Bangus Rodeo, may inilaang mula limang-libo, sampung-libo at labinlimang-libong piso para sa mga magwawagi. Ang mga mechanics ay kasalukuyang inihahanda ng City Agriculturist Office sa pamamagitan ni Madam Emma Molina.

Isa lamang ang maaring manalo ng bangus raiser o fishpond operator sa mga naturang kategorya upang mabigyan ng patas na pagkakataon ang mga gustong sumali ayon kay Councilor Fernandez.

Dagdag pa nito na palaki ng palaki at pabigta ng pabigat ang mga winning entries habang tumatagal ang Bangus Rodeo na naging tampok na ng taunang Bangus Festival. Ito ay bukas sa lahat, ayon pa kay Councilor Lino Fernandez (EV).

No comments: